|
Ano ang mangyayari sa iyong pagtawag?
Kung ikaw ay tumawag sa Peel Children’s Aid na may tanong o pag-aalala sa kapakanan
ng isang bata, isang nagsanay na tagapaglingkod panlipunan ang siyang sasagot sa iyong
tawag. Ang mga ‘front-line’ na tagapaglingkod ay bahaging kinatawang customer service,
bahaging tagapayo, ang tungkulin nila ay makinig ng mabuti upang maintindihan kung
paano makatulong. May iba’t-ibang mga lupon ng tagapaglingkod panlipunan, na ang
bawat isa’y nakatakda sa magkakaibang turno, upang makapagbigay ng alalay sa
kumunidad ng Peel sa lahat ng oras.
Kailangang pahalagahang mabuti ng isang tagapaglingkod ang isang kaso sa
pamamagitan ng pagsisiyasat na pagtatanong. Kailangan niyang matanto ang antas ng
pangkasalukuyan at panghinaharap na panganib sa nailalarawang kalagayan. Sa Peel
Children’s Aid, naiintindihan namin na kung minsa’y urong-sulong ang mga tao sa
paghahayag ng kanilang mga hinala. Ito ang dahilan kung bakit gumugugol kami ng
panahon upang magpaliwanag ng proseso at ng aming mga paglilingkod na iniaalay.
Maaaring hingin ng tagapaglingkod ang katauhan ng mga tumawag, ngunit para sa mga
di-propesyonal, gaya ng isang kapit-bahay o kaibigan, di na ito kinakailangan. Ang mga
propesyonal na nagsisilbi sa mga bata, gaya ng mga guro at duktor ay ipinag-uutos ng
batas na magpakilala ng kanilang sarili.
Palagi bang may pag-uusisa?
Marami nang mga tawag ang nalutas ng tagapaglingkod panlipunan sa telepono.
Ang ibig sabihin nito ay di na kailangang mag-usisa pa dahil maaring nasuri at nakitang
ang panganib sa bata ay nasa mababang baytang lamang. Ang mga pamilya sa
kategoryang ito ay malimit na natutulungan sa pamamagitan na pag-uugnay sa kanila sa
isang kapares/ahensiyang pangkumunidad o sa paggabay ng isang tagapaglingkod
panlipunan.
Di man humantong palagi sa isang pag-uusisa ang isang tawag, ang iba’t-ibang mga
tawag tungkol sa parehong mga bata o pamilya ay may pahintulot kaming kumilala ng
tularang pagkabahala na maaaring tanda ng pangangailangan pa ng karagdagang
pagpapahalaga. Dahil dito, hinihikayat namin ang lahat ng mga nag-aalalang miyembro ng
kumunidad na kami ay tawagan at kausapin – gaano man kaliit o kabigat ang kanilang
pagkabahala sa isang bata. Ang kaalaman tungkol sa pinagmulang pangyayaring inyong
maibabahagi sa amin ngayon ay makakapagdagdag sa aming kakayanan na masuri ang
kahit anong mga tawag na darating sa amin sa hinaharap tungkol sa mga pagkabahala.
Kukunin ba ang bata mula sa kanyang tahanan?
Ang aming layunin ay ang panatilihin ang mga bata sa kanilang pamilya. Ang aming
uunahin ay palaging mabigyan ang mga magulang ng alalay na kanilang kinakailangan
upang makabuo ng matatag na tahanan. Sa kaunting bilang ng mga kaso lamang
kinakailangang kunin ang mga bata mula sa isang pamilya at ilagay sa ilalim ng
pangangalaga ng ibang miyembro ng pamilya o ng foster parents. Kapag ang
pinakamabuting kalutasan ay ang kunin ang isang bata o kabataan mula sa kanilang
tahanan, kami ay magbibigay ng ligtas at mapag-arugang kapaligiran para sa kanilang
pamamalagi.
Sa karamihang kaso, gayon man, nagbibigay kami ng gabay at pagpapayo at
nakikipagtulungan sa ibang mga ahensiyang pangkumunidad para matiyak na ang isang
pamilya ay nakakatanggap ng hustong pag-alalay para alagaan ang kanilang anak.
|