About Us Protecting Children Parenting Fostering Adopting Living Independently Volunteering Working at CAS Learning Students Contact Us Home
Tngkol to Tungkol  |  Pagbibigay ng Proteksyon sa mga Bata  

Kung malala ang isang kalagayan

Bawat taon, halos 6,000 na tawag sa Peel Children’s Aid ay sapat na malala na patotohanan ang pagsusuri ng isang tagapaglingkod panlipunan.

Ang tagapaglingkod ay makikipag-usap sa pamilya upang mapahalagahan ang kaligtasan ng isang bata. Maaaring kausapin din ng tagapaglingkod ang ibang mga bata sa pamilya, mga duktor, guro, atbp. upang makakuha ng pangkalahatang pananaw sa maaaring maging dahilan ng pinsala o mga mapanganib na mga bagay sa kalagayan ng bata. Ang mga kapasyahang gagawin tungkol sa mga pag-aalaga ng isang bata ay ginagawa ng isang lupon ng mga dalubhasa.

Ang mga pamilyang nasa panganib ay nakakatanggap ng tulong na kanilang kailangan. Maaaring ito ay isang pag-uugnay sa mga programa tungkol sa pagiging magulang o sa pagpapagaling para matuto ng mga paraan kung paano mapabuti ang uri ng pag-aaruga ng kanilang mga anak. Sila ay regular na sinusubaybayan at kung may problema sa patuloy at pangkasalukuyang proteksyon, maaaring hilingin silang dumalo sa mga programa ng Children’s Aid o ng ibang ahensiya gaya ng pamamahala ng bata sa loob ng bahay para matuto sa mga positibong paraan ng pagdisiplina.

Mga kliyente
Mas kaunti sa 13 sa bawat sandaan na mga pamilyang nakikipag-ugnayan sa amin ay nagiging mga patuloy na kliyente ng ahensya. Kung sila ay kailangang makipagugnayan
pa rin, isang kumpletong masinsinang pagsusuri kasama na ng pag-uri ng panganib, ang isinasagawa ng isang case worker at pinapahalagahan ng isang superbisor.

Ang mga tagapaglingkod panlipunan ng Peel Children’s Aid ay nakikipagtulungan sa
mga pamilyang ito, pati na sa ibang mga organisasyon, upang makatulong na magbigay
ng proteksyon o mapabuti ang kalagayan ng isang bata at/o maitaas ang uri ng pagaarugang ibinibigay sa isang bata.




Ano ang mangyayari sa iyong pagtawag?
Sino ang tumatawag sa Children’s Aid?
Pag-uunawa ng pagmamalabis at pagpapabaya
Kung malala ang isang kalagayan
© 2006 Peel Children's Aid Society All Rights Reserved Legal Information Privacy Policy
About Us Protecting Children Parenting Fostering Adopting Living Independently Volunteering Working at PCAS Learning-Students Contact Us Home