Tngkol to Tungkol  |  Pagbibigay ng Proteksyon sa mga Bata  

Lahat tayo ay magkakabahagi sa responsibilidad ng pagbibigay ng proteksyon sa mga bata laban sa kapahamakan.

Sa Ontario, ang Peel Children’s Aid ay isa sa 53 na Children’s Aid Societies na nasa ilalim ng kautusang Child & Family Services Act (CFSA) ng Ontario upang bigyan ng proteksyon ang mga batang nasa edad 16 pababa na maaaring nagdurusa sa pagmamalabis at pagpapabaya ng isang tagapag-alaga.

Maikiling paliwanag ng pagmamalabis at pagpapabaya:

Pagmamalabis ay ang pananakit sa bata sa paraang pisikal, emosyonal o sa panggugulong sekswal.

Pagpapabaya ay ang di pagbibigay ng nauuukol na pag-alaga o pagkakait sa bata ng pag-aalalay at pagmamahal.

Para sa dagdag na kaalaman, tingnan ang pahinang kinaroroonan ng paksang “pag-uunawa sa pagmamalabis at pagpapabaya” (understanding abuse and neglect) .

Sa Peel Childrens Aid, naniniwala kami na kalimita’y pinakamabuti pa rin sa mga bata na manatili sa kanilang mga tahanan.

Ngunit, sa mga ibang mga pangyayar’y kailangan naming isailalim ang bata o kabataan sa aming pag-aalaga para sa kanilang kaligtasan at kapakanan. Habang inaayos namin ang mga plano para sa permanenteng pag-aaruga sa kanila, nagbibigay kami ng kapaligirang ligtas at mapag-alaga para sa mga bata at kabatang di maaring tumira sa kanilang tahanan.

Kung sino man ang may hinalang ang isang bata ay maaaring nangangailangan ng proteksyon dapat ipagbigay-alam ito ng tuwiran sa isang Children’s Aid Society. Sa Rehiyon ng Peel, tawagan kami sa 905-363-6131. Ang aming mga linya ay bukas 7 araw sa isang linggo, 24 oras sa isang araw.




Ano ang mangyayari sa iyong pagtawag?
Sino ang tumatawag sa Children’s Aid?
Pag-uunawa ng pagmamalabis at pagpapabaya
Kung malala ang isang kalagayan
© 2010 Peel Children's Aid Society All Rights Reserved Legal Information Privacy Policy
About Us Protecting Children Parenting Fostering Adopting Living Independently Volunteering Working at PCAS Contact Us Home