Kasaysayan

Tngkol to Tungkol |
Pagbibigay ng Proteksyon sa mga Bata

Ang mga sumusunod ay mga siping galing sa librong, A Constant Friend: A History of the Peel Children’s Aid Society, ni Tom Urbaniak isang dating pangulo ng Peel Children’s Aid.

  • Si John Jospeph Kelso, dating manunulat sa pahayagan, ay bumuo ng Toronto Children’s Aid Society noong 1891, tinatag upang paglaanan at protektahan ang mga inabuso, pinabayaan at inulilang mga bata, apat na taon matapos siyang maging pangunahing tao sa pagtatatag ng Toronto Humane Society.
  • Unang miting ng Peel Children’s Aid Society Board of Directors ay ginanap noong ika-23 ng Abril 1912 sa Grace United Church sa Brampton, nagtampok sa ilan sa mga kilalang mga mamamayan ng lugar
  • Si Charles W. Norton, isang child welfare-worker, ay naging unang opisyal na empleyado ng Peel Children’s Aid
  • Ang unang opisyal na kaloob sa Peel Children’s Aid ay ipinasa noong ika-6 ng Hunyo 1912 ng County Council sa halagang $100.
  • Ang permanenteng kanlungan ng mga bata, “the Gordon Home” pinangalanan kay
    Charles D. Gordon, pangulo ng Peel Children’s Aid, ay binuksan sa Milton noong ika-24 ng Hunyo 1919 bilang pagtugon sa kakulangan ng mga foster homes sa lugar; naglaan sa mga residente ng nararapat na pangangalaga sa kalusugan, pagkain at kasuotan.
  • Noong 1936, 119 na mga bata ang umasa sa Peel Children’s Aid Society, 32 sa mga
    ito ang tumira sa Gordon Home.
  • Upang tugunan ang matinding pangangailangan at paghihiling sa mga serbisiyong para sa mga bata, ang mga organisasyon ng Children’s Aid Society ay nagbuklod noong ika-4 ng Nobiyembre 1935; tuluyang nagbukod noong 1944 dahil sa pagnanasa ng Peel County Council na magkaroon ng mas malakas na katayuan sa Society.
  • Sinara ang Gordon Home noong Agosto 1936 dahil sa kakulangan ng pinansiyal at sosyal na tulong. Karamihan sa mga batang nasa ilalim ng pag-aaruga ay pinirmi sa mga foster home; ang mga iba ay pinadala sa isang tirahan sa Orillia, Ontario.
  • Noong Nobiyembre 1936, ang suporta ng County Council sa Society ay 75 cents bawat araw sa bawat bata, ang suporta ng probinsiya ay $1,000 bawat taon sa bawat bata.
  • Sa unang bahagi ng 1950, ang mahirap na kundisyong pangkabuhayan at panlipunan ay nagbigay-daan sa pangangailangan sa paglaki at pagsulong ng kaayusan at mga serbisyo ng Society. Sa huling bahagi ng 1950, ang opisina ng Peel Children’s Aid ay nasa pangalawang palapag ng county court house, isa lang ang teleponong aktiba para sa buong kawanian.
  • Sa huling bahagi ng 1950 at unang bahagi ng 1960, ang pag-unlad ng kabuhayan ay nagresulta sa pagkakaroon ng ahensya ng dagdag na pondo galing sa pribado; nakapagbigay ng dagdag na serbisyo sa mga pamilya, kasama na rin ang mga inang nag-iisa; kasama rin ang konseho, mga gawaing panglibang, at mga gastusin sa edukasyon
  • Ang Peel Children’s Aid board members ay gumanap ng tungkuling may kinalaman sa pagbabago ng Child Welfare Act na nagkabisa noong ika-1 ng Enero 1996
  • Noong 1970, ang Peel Children’s Aid Society ay nagkaroon ng malapit sa 50 na mga empleyado at siyang kinilalang ika-8 sa pinakamalawak na autoridad sa probinsya.
  • Noong ika-1 ng Enero 1974, ang inagurasyon ng pamahalaang rehiyonal ay nagbunga ng pagpalit ng pangalan ng Society – The Children’s Aid Society of the Region of Peel.
  • Noong 2003, lumipat ang opisina ng organisasyon sa kinaroroonan nitong malapit sa Mississauga Road at Highway 401 sa Mississauga.
  • Hanggang 2006 may higit sa 175 na foster families sa Brampton, Caledon at Mississauga na kumukupkop sa mga batang nasa ilalim ng pag-aaruga ng ahensya.
  • Ngayon, ang Peel Children’s Aid ay nagsisilbi sa halos 7000 na mga pamilya bawat taon at ang bilang ng empleyadong full at part-time ay 375.

Para umorder ng kopya ng A Constant Friend: A History of the Peel Children’s Aid Society ni Tom Urbaniak, pakitawagan ang (905) 363-6131 ext. 1155