Paano kami pinopondohan

Tngkol to Tungkol |
Pagbibigay ng Proteksyon sa mga Bata

Habang pagbibigay ng proteksyon ang pangunahing serbisyong pinopondohan ng Ontario Ministry of Children and Youth Services para sa Peel Children’s Aid, ang Peel Children’s Aid Foundation ay naitatag noong 2003 upang makakuha ng pondong pangalalay sa pagbabago at mapilit-na-kailangang mga programa at paglilingkod na di nasasakupan ng pondong mula sa gobiyerno.

Sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng aming mga tagataguyod, ang Peel Children’s Aid Foundation ay nagpopondo ng mga programang nakatuon sa pag-iwas ng pagmamalabis at pagpapabaya sa bata at pagbabawas ng pakikipagsapalaran kapag kailangang ialis ang mga bata upang isailalim sa pag-aruga ng Peel Children’s Aid, at pagpapabuti ng uri ng buhay ng mga batang nasa ilalim ng aming pag-aaruga. Ang aming foundation ay tumutulong sa mga bata at pamilya na gawing magkatotoo ang mga pangarap – maging malaki man o maliit – sa tunay na buhay.

Ang Peel Children’s Aid at Peel Children’s Aid Foundation ay umaasa sa mga donasyong personal at korporasyon sa pagpopondo ng mga programang nagpapagaling sa mga bata at kabataan gaya ng Camp 4 Kids, Wishes 4 Kids at mga scholarship para sa kabataan. Ang mga taunang pagdaraos ng fundraising ay kasama ang:

  • Fore the Kids Golf Tournament (Hunyo)
  • Chances for Children Dinner and Auction (Setyembre)
  • Use Your Voice Campaign (Oktubre)
  • Iba pang mga pagdaraos na isinasagawa ng mga third party organiser gaya ng mga paligsahan sa golf at baseball.


Pakibisita ang websayt ng foundation sa: http://www.peelkidsfoundation.com O tawagan kami para sa dagdag na kaalaman tungkol sa pakikipagtulungan, pagiisponsor, pagbibigay ng donasyon o mga pagkakataong mag-volunteer: 905-363-6131 extension 1151