Sino ang tumatawag sa Children’s Aid?

Tngkol to Tungkol |
Pagbibigay ng Proteksyon sa mga Bata

Ang Peel Children’s Aid ay nakakatanggap ng malapit sa 15,000 na tawag taun-taon.

Halos kalahati ng mga tawag na ito ay galing sa mga iskwelahan. Mga guro, katulong ng guro, tagapaglingkod panlipunan ng iskwelahan at mga prinsipal ay tumatawag sa amin dahil sa pag-aalala nila sa kanilang mga estudyante. Ang mga opisyal ng pulis, kapitbahay, kawani sa daycare, duktor, nars at kasama sa pamilya ay tumatawag din.

Hinihikayat naming tumawag sa amin ang sinumang makarinig ng anumang pag-aalala sa kaligtasan ng isang bata. Utos ng batas na ihayag ng mga propesyonal na nagliligkod sa mga bata ang pagmamalabis o pagpapabaya kung sa hinala nila’y nangangailangan ang isang bata ng proteksyon.

Tungkuling maghayag – may obligasyon kang maghayag ng pagmamalabis at pagpapabaya sa isang bata. Matutulungan ka ng mga babasahing ito sa pagpapasya kung bakit, kailan at paano ka dapat tumawag sa Peel Children’s Aid.


MAY KAUGNAYANG MGA DOKUMENTO

Brosyur ng Ministri tungkol sa paghayag ng pagmamalabis at pagpapabaya sa mga bata

170.67 k

Tungkuling maghayag – Lupon ng Iskwelahan

60.39 k

Tungkuling maghayag – Lupon ng Iskwelahang Katoliko

60.48 k

Mon Devoir de Rapporter – Tungkuling maghayag – Lupon ng Iskwelahan - Pranses

70.11 k