Pag-uunawa ng pagmamalabis at pagpapabaya |
Tngkol to Tungkol | Pagbibigay ng Proteksyon sa mga Bata |
Pagmamalabis na pisikal
Anumang sinadyang pananakit sa pamamagitan ng dahas na pinapataw sa anumang
bahagi ng katawan ng bata. Kabilang sa pananakit ay: mga gasgas, latay, sugat, bali,
paso/banli o mga pananakit sa panloob ng katawan. Ang pagmamalabis na pisikal ay
maaaring mangyari nang minsanan o makadalawang beses lamang o nang mahabaang
panahon.
Pagmamalabis na sekswal
Ang anumang pagsasamantala sa bata para sa dahilang sekswal gaya ng
panghihimasok na sekswal, isang pag-anyaya upang hawakan ang ari, paninilip,
pananyansing, pagganap at pagpasok ng ari, at pagsasamantalang sekswal.
Malabis Na Pananakit Ng Damdamin- Pandarahas sa Tahanan
Ang mga ginagawa ng magulang o tagapag-alaga ay maaaring nagkaroon ng pananakit
ng damdamin sa pamamagitan ng pagkakait sa isang bata ng isang kapaligirang
mapagmahal sa pamamagitan ng palagiang paninigaw, mapaghamak na mga
pangungusap, pagtanggi, di pag-pansin, pagbubukod o pagsisindak sa bata; o
paglalantad sa bata ng pandarahas sa tahanan.
Pagpapabaya
Ang tagapag-alaga ay di nakakapagbigay ng mga kinakailangang pangangailangan
gaya ng sapat na pagkain, tulog, kaligtasan, pagmamasid, kasuotan o pagpapagamot.
Sa karamihang kalagayan, ang pagpapabaya ay di sinasadya.
MAY KAUGNAYANG MGA DOKUMENTO
| Ulat sa Pagmamalabis sa Bata taong 2005-2006 | 1137.08 k | |
| Pag-uunawa sa Pagmamalabis na Sekswal – kasama ang mga pabatid tungkol sa kaligtasan | 229.11 k |