|
Sino kami?
Malaking grupo kaming kinabibilangan ng mga tagapaglingkod-panlipunan,
tagapaglingkod-bata at kabataan, abogado, nars para sa mga sanggol, empleyado sa
departamentong nagbibigay-alalay at pangasiwaan.
Tuwiran man o hindi ang paglingkod namin sa mga pamilya at sa kumunidad,
nagbibigay-bahagi ang bawat isa sa amin tungo sa proteksyon sa mga bata at kabataan
at pag-alalay sa mga pamilya.
Ang aming 370 empleyadong full time at part-time ay may mga magkakaibang
karanasan, gaya ng mga taong aming pinaglilingkuran.
Saan ang lugar ng aming trabaho?
Ang trabaho namin ay nasa Rehiyon ng Peel. Sa madaling sabi, sakop namin ang mga
taga-lungsod ng Brampton at Mississauga, at bayan ng Caledon, lalawigan ng Ontario,
Canada.
Ano ang aming tungkulin?
Ang mga manggagawa ng Peel Children’s Aid ay tumatanggap ng tawag mula sa mga
propesyonal (halimbawa: mga opisyal ng pulis, duktor, guro) at sa mga mamamayang
balisa sa kalagayan ng isang bata. Nagsasagawa kami ng pagsusuri sa mga
pagkabalisang ito at nagpapasya sa isang pagkilos na dapat gawin.
Bisitahin ang seksyong pagbibigay ng protekson sa mga bata (protecting children) para
sa kaalaman kung kailan kami dapat tawagan at kung ano ang mangyayari sa inyong
pagtawag.
Inuuna ng Peel Children’s Aid ang pangangailangan at kapakanan ng mga bata at
kabataan. Nakikipag-ugnayan kami sa mga magulang upang matulungan sila sa
pagbibigay ng isang ligtas at magiliw na kapaligiran para sa kanilang mga anak. Ang
Peel Children’s Aid ay nagbibigay ng mga programa sa pagpapayo, pagtuturo at pagaalalay
sa mga pamilya upang manatiling sama-sama pa rin sila hangga’t maaari.
Nakikipagtulungan ang aming ahensiya sa mga pamilya nang matulungan silang magaruga
ng kanilang mga anak sa mas positibong paraan at tumutulong kami sa pagaakay
at pagbibigay ng pamaraan sa kanilang pagiging mas mahusay na mga
magulang. Nakikipagtulungan din kami sa mga kapanig sa kumunidad para matiyak ang
mga pamilyang aming kapanayam ay makinabang sa mga programang nagbibigay ng
pagpapayo at paggaling. Bagama’t naniniwala kaming pinakamabuti pa rin para sa mga
bata ang lumaki sa kanilang tahanan, may mga pagkakataong kinakailangan silang
kunin nang maisailalim sa aming pag-alaga para matiyak ang kanilang kaligtasan at
pinakamabuting kapakanan.
Ang mga bata at mga teen-ager na di maaring tumira sa kanilang sariling tahanan o
walang magulang o walang maaring gumanap na kanilang tagapag-alaga ay nilalagay sa isang pansamantala, ligtas at mapagmahal na kapaligiran ng isang foster family.
Karamihan sa mga batang napapasa-foster family ay mga nakaranas na ng ilang anyo
ng pagmamalabis o pagpapabaya at nangangailangan sila ng isang mapagmahal,
matatag na kapaligiran para matulungan silang makapagpagaling sa kanilang
pinagdanasan. Tingnan ang seksyong pagtatangkilik (fostering) sa aming websayt para
sa dagdag na kaalaman tungkol sa foster parent program at sa pagiging isang foster
parent.
Kung ang kabataang may edad na 12 hanggang 16 taong gulang ay di makayang
alagaan ng isang foster family, may pinapatakbong 10 tahanang residensiyal ang
ahensiya para sa kabataang nasa espesyal na katayuan. Ang mga tahanang ito ay
nagbibigay ng kapwa maikli at mahabang pag-aalagang residensiyal para sa kabataang
malaki ang pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan, mga hamon sa kanilang
paglaki at mga pangangailangan sa pag-asal.
Ang Peel Children’s Aid ay nagpapagaan din ng paraan sa pag-ampon ng mga batang
di kayang maalagaan ng pamilyang kanilang pinanganakan. Tingnan ang seksyong
pag-aampon (adopting) sa websayt na ito para sa dagdag na kaalaman tungkol sa
pagbibigay sa isang bata ng isang bagong pamilya.
|